top of page
Writer's pictureWimarie Tenorio

White Shadow

Genre: Inpirational, Romance

Author: EmpressMaire [Wimarie Tenorio]


Part 1


SHE is Mauizen Leyson, isang babaeng kung titingnan mo ay laging nakangiti. Tahimik minsan, pero kadalasan ay laging nakikipagbiruan at tumatawa. But, who knows? Sometimes, what we see is just a mask of reality.


"You’re late again Ms. Leyson? Ano ba ang pinaggagawa mo?" salubong ng kanyang instructor sa Accounting.


"Sorry, ma'am, hindi na po mauulit."


"Make sure of that, Ms. Leyson."


School sucks, really sucks!


"Ma'am napuyat ‘yan!"


"Nakipagdate ‘yan kaya late!"


"Pfftt! Ang tanong? May papatol ba sa kanya?" sabi ni Bitch 1.


"Baka nakakalimutan mong jowa niyan si Kiyan," segunda ni Bitch 2.


"Duh! She's so ugly. What kaya na-see ni Papa Kiyan sa kanya?" mataray na anang baklang bitch.


Hindi na lang niya pinansin ang mga sinasabi ng mga ito. Wala rin namang mangyayari.

Mag-isa na lang siya sa classroom. Saka lang siya nakahinga nang maluwag. She's waiting for Kiyan, her boyfriend. Mag-iisang taon na rin silang mag-on.


Ayaw niyang umalis ng room dahil siguradong mapagti-tripan lang siya. But she doesn't have a choice. Kasi mukhang hindi siya nito ngayon mapupuntahan. Siguradong busy sa basketball practice ito para sa university festival.


Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad papunta sa likod ng campus nang bigla siyang harangin ng grupo ni Odeth. The self-proclaimed Queenbee of their university.


"Look who’s here. The ugly duckling of Block 1 in BSED." May nakakalokong ngiti sa mga labi nito.


Here it is again. Nasanay na siya sa tatlong taon na lagi siyang napagdidiskitahan ng mga ito.


"Ahm... Excuse me, mauna na ako sa inyo," mahina niyang wika bago nagtangkang maglakad na paalis nang bigla siyang hilahin nip Odeth.


"Ow! Girl... We're not yet done here."


Wala siyang nagawa nang buhusan siya nito ng Coke float. All she can do is to stare at them laughing at her. She runs away from them habang pinipigil na mapaiyak.


'Mau... You're not going to cry. You're no longer a child.'


Napatigil siya nang may humila sa kanya. Nasa back gate na siya ng university.

She always use this gate every time na pauwi na siya dahil sa ayaw niyang dumaan sa front gate. She may get many attention because of her boyfriend na isang varsity player ng basketball.


Pagtingin niya sa humila sa kanya, it's Arion. Ang lalaking mahilig siyang asarin.


"What? Mang-aasar ka rin ba? Pagtatawanan mo rin ba ako? Then go!" halos pasigaw niyang wika bago ito tinalikuran.


Life is unpredictable.


"Hey! Mau!"


Napangiti siya nang makita niya ang kanyang best friend. Si Erenia, ang tanging taong laging naririyan sa kanyang tabi. Sa ibang university ito nag-aaral.


"Kumusta? Ang tagal na nating hindi nagkita, ah," saad ni Erenia.


"Ayos lang naman," nakangiting sagot niya. "Mas gumaganda ka pa lalo, ah."


"Sus! Nambola ka pa, eh..."


Napatawa na lang siya. She missed this girl, her best friend.


"Kumusta na ang buhay?" Tumigil silang dalawa sa silong ng punong acacia at naupo sa bench.


"Gosh!" Pigil ang tili ni Erenia na nagsimula nang magkuwento tungkol sa boyfriend nito. Minsan ay nagbibiruan sila at saka sabay na matatawa.


Happiness comes in different ways. But everything has an ending.


Nasa bungad pa lang siya papasok sa kanilang bahay ay rinig na niya ang sigawan ng mga magulang niya. They are fighting with each other again. Para sa kanya, normal na ang mga bagay na ito.


Walang tunog ang yapak niya na pumanhik siya papunta sa kanyang kuwarto. Wala na siyang gana pang mag-dinner.


"Bakit ka pa umuwing lalaki ka? Bakit hindi ka na lang tumira doon sa babae mo?"


Parang sirang plakang paulit-ulit na lang niya itong naririnig. Walang katapusang sagutan ng mga magulang niya.


Bakit siya pa? Bakit sa dinami-raming pamilya sa mundo bakit sa pamilyang ito siya ibinilang ng Diyos? Mahal ba talaga siya ng Diyos? Kung oo, bakit ito nangyayari sa kanya?

Part 2

ARAW ng Biyernes, mamayang gabi gaganapin ang university ball nila. It's been three days na hindi niya nakikita si Kiyan. Naiintindihan naman niya ito dahil laging busy sa practice para sa sports fest. Pero hinihintay niya pa rin itong ayain siyang maging ball date nito sa university ball. But until now, wala pa ring Kiyan.


There are times that people break down... fall into despair.


"Hey! Why are you alone here?" Ang boses na mula pa yata magsimula siyang pumasok sa kolehiyo ay bigla-bigla na lang sumusulpot.


Si Arion na naka-black tuxedo and he's wearing a blue necktie.


"May nakikita ka bang kasama ko?"


"Wala."


She didn't know why. Bakit lagi siyang naiinis sa lalaking ito? The truth is that he is a handsome man. But maybe, hindi niya matanggap na lagi siya nitong nakikita sa mga nakakatawa at nakakahiyang sitwasyon.


"You look beautiful," may ngiti sa labing wika nito. Dahilan para matigilan siya.

"You, too," mahina niyang wika sabay iwas ng tingin.


"Me? Do I look beautiful? Hindi ba dapat ay handsome and not beautiful?" natatawang anito.


Napailing na lang siya habang nakangiti dahil sa dami nitong alam. Akmang sasagutin na sana niya ito nang biglang mamatay ang ilaw sa buong hall kasabay ang biglang pag-switch ng big screen.


There she saw her boyfriend having an intimate moment with another girl. Ang masaklap, ang babae ay walang iba kundi ang best friend niya.


'Erenia...'


"No!" Napailing-iling siya. Ayaw niyang paniwalaan ito.


Hindi niya namalayang may spotlight na palang nakatutok sa kanya. Wala sa sariling napatakbo na lang siya paalis ng hall. Ayaw na niya. Masyadong mabigat sa dibdib.


Napatigil siya nang nasa tapat na siya ng kanilang bahay. She wants to cry, but she can't. Hindi siya iiyak. Never siyang iiyak.


Akmang bubuksan na niya ang pinto nang marinig niya ang boses ng kanyang ama.


"Shut up, Merian! We both know that Mauizen is not my daughter. Ampon lang siya. Erenia is my only daughter. The problem is not with me but with you. You can't give me a child that other women can."


Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig dahil sa kanyang narinig. All this time, everything in her life is a big lie.


Hindi niya alam na nakabukas na ang pintuan at nakatingin sa kanya ang mga taong itinuring niyang pamilya kahit pa nahihirapan siya.


She understands them, dahil alam niyang arranged marriage lang sila. But she never expected this, learning that she does not really belong to this family. O kung matatawag ba itong isang pamilya.


"Anak, Mauizen..."


Hindi niya pinansin ang tawag nila. The only thing she wants to do is to run, run until everything will be gone.


Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luhang mula pa sa simula ay lagi niyang pinipigilang lumandas. Kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ay ang pagbuhos ng ulan.


Maging ang kalangitan ay nakikisabay sa kanyang nararamdaman. Nakikisimpatya...


Nakarating siya sa taas ng city tower habang umiiyak at basang-basa sa ulan.


'Pwede bang tumalon? Bppaka-sakaling mapasama sa hangin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko?'


In every darkness in our life, there is light. There's a white shadow inside our heart.


Nakatulala siya habang nakatingin sa malayo. Wala na siyang pakialam kung sa isang pagkakamaling galaw lang niya ay maaari siyang mahulog sa city tower. Kung pagbabasehan ang gusali sa taas nito ay nasa ika-walong palapag ang taas ng kinaroroonan niya.


Parang namanhid ang buong katawan niya nang sa maling galaw niya ay nadulas siya sa bakal na sahig ng city tower. Kusa siyang napapikit. Maybe this is her unhappy ending. And also the end of her pain.


Limang segundo, sampung segundo, labing-limang segundo... Hindi niya naramdaman ang biglaang pagbagsak pababa. Sa halip, she feels an arm that hugs her from the back. At the same time, she feels like flying in the air.


"You don't need to kill yourself because you're in pain. How can I let my life fade away?"


‘Yong kaninang luha lang ay naging hikbi na. Hindi na pala niya kayang pigilan pa. Naghalo-halo na ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.


She's always the subject of bullying in school.


Her boyfriend cheated on her with her best friend.


Her parents always fight.


Worse, they are not her real parents because she's just an adopted child.


"When you cry, it doesn't mean that you're weak. Rather, you're crying because you are human. You have emotions. You can feel pain and that's normal. You can cry as long as you want. Until the pain goes away."


"Arion, why? Bakit mo ako iniligtas? Dapat nga masaya ka ‘di ba? You always bully me, too," humihikbing tanong niya habang nakapikit pa rin.


"Why don't you open your eyes and see the world?"


Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. She saw the different lights around the city. They are like shining stars in the rain.


"You will never appreciate the white shadows without the darkness. Just like in human life. We can't say that we are alive, that we are human without a problem and pain. God made all of this to mold us. For us to become a better person."


Why is his every word like a blade that carves in her heart?


Nang lumapat ang kanilang mga paa sa damuhan ay saka lang niya na-realize na naka-parachute pala sila.


"Gusto mo pa rin bang umiyak?" tanong ni Arion.


Napatingin siya sa lalaking ni minsan ay hindi niya inakalang ililigtas siya. Na bibigyan nitong linaw ang maraming bagay sa isipan niya.


"Arion..." Napapikit siyang muli nang yakapin siya nito. She feels him kissing her on the top of head.


"Don't ever do that again. I'm scared to see you at that time. I'm tired to only look at you from afar. Ang torpe ko kasi."


"Thanks..."


"No, thanks. You became my inspiration. The reason why I changed a lot from who I was in the past..."


She doesn't understand what he is talking about. All she knows is that she feels safe in his embrace.


'On the mount of the Lord it shall be provided.' Is a holy word that means God will see you through? That he will be with you, walk with you and guide you? He knows what is inside your heart. He knows what you need.


"Are you ready?" Arion asks her.


It's been seven years and they've been married for four years.


"Yup! I'm ready."


They are on the city tower again. This day is their fourth year wedding anniversary.

The first time na nag-parachute sila ni Arion ay noong mga panahong down na down siya. Noong gabing iniligtas siya nito dahil sa hindi niya sinasadyang kamuntik na siyang mahulog.


But now, it is different. Nandito sila hindi dahil malungkot siya. They are here to celebrate the happiest moment in their life being together. And this night, walang ulan. Bagkus, binalot sila ng liwanag ng buwan at makikinang na bituin sa kalangitan.


"I love you, my life," wika ni Arion.


"I love you, God, because you gave me my life." Then they hug each other at sabay na tumalon habang pinagmamasdan ang mamahikang ganda ng gabi.


"You are my white shadow, Arion. You're always there beside me but I can't see you before. Until you revealed yourself."


This is life. Her life story.

Part 3


3 views0 comments

Recent Posts

See All

She

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page