top of page

Tamang Panahon

Spoken Poetry

By EmpressMaire [Wimarie Tenorio]



Noong nagtapat ka sa akin

Hindi ko lubos akalain

Na ikaw ay matagal na palang

May pagtingin sa akin.


Hindi nagtagal, ako'y nahulog na rin

Sa bawat araw na kasama ka

Parang ayoko ng matapos pa

Ang bawat sandali

Na ako'y napapangiti.


Ngunit sadyang mapaglaro

Itong ating kapalaran

Mahal natin ang isa't isa

Pero ayaw pa ng tadhana.


Kaya kung dumating na ang araw

Na tayo'y magkalayo

Sana lagi mong baunin

Itong pag-ibig ko sayo.


Dahil hindi man tayo

Pwede sa ngayon

Sana sabay nating hintayin

Ang sinasabi nilang

Tamang panahon.




11 views1 comment

Recent Posts

See All

1 Comment

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
Jun 17, 2023
Rated 5 out of 5 stars.

Sana nga nawa, sa tamang panahon ay di pa huli ang lahat ...

Like
bottom of page