Spoken Poetry
By EmpressMaire [Wimarie Tenorio]
Luha, ang unang pagpatak mo'y ang aking pagsilang.
Tandang ako ay may bagong buhay.
Bagong nilikha sa mundo na puno ng hamon at pag-asa.
Dala mo ay galak sa puso ng isang ina.
Luha, ikaw ay tomulo nang ako'y nagugutom na.
Kasama ng iyak kong nagsusumamo pa.
Kalinga ang bigay ng magulang sa twina.
Sa sanggol na siyang bagong myembro nga.
Luha, ikaw ay pumatak
Nang ako'y mdapa at masugatan.
Pagkat ako'y pabaya pa.
Walang muwang sa mundo.
Luha, ikaw ay bumalisbis sa aking pisngi.
Nang ako'y mapaaway sa'king mga kalaro.
Naging tanda ka na ako'y nagdadamdam.
Kasunod naman ay pag-alo ng magulang kong mahal.
Luha, ikaw ay dumaloy sa'king mga mata.
Nang araw na ako'y sinaktan niya.
Sa unang pagkakataong ako ay humanga.
Marahil ako nga ay bata pa at hindi pa handa.
Luha, ikaw ay bomuhos nang ako'y masaktan nga.
Pagkat umibig lang pero mali pala.
Naging karamay ka sa bawat magdamag.
Siyang tanging paraan sa pag gaan nitong dibdib.
Luha, kayrami mong bigay na kahulugan
Sa aking buhay na puno ng kahungkagan.
Pero ikaw din ay tandang ako'y buhay nga.
Isang nilalang na nasasaktan.
May puso at damdamin
May pakiramdam at mithiin
May galak at pag-asa
May luhang nagpapaalala sa aking simula at pagwawakas.
Luha, ng kalungkutan at kaligayahan...