Genre: Fantasy, Action
By: EmpressMaire [Wimarie Tenorio]
Part 1
NAPAKABILOG ng buwan na nagsasabog ng liwanag sa madilim na kapaligiran. Malamig ang simoy ng hangin na humahampas sa mga dahon. Bahagyang nililipad nito ang kulay puting kurtina sa bintana ng silid ko habang mahimbing akong natutulog.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata saka napabangon dahil sa sunud-sunod na katok mula sa labas ng pinto.
"Sittyfaiha! Gumising ka na at aalis na tayo." Boses ni Mama na parang nakalunok na naman ng megaphone.
"Nandyan na po." Napatingin ako sa alarm clock sa may side table.
'12:00 a.m.? Haysh!’ Napabuntong-hininga na lang ako. Ngayon nila ako ihahatid sa magiging bago kong paaralan, sa Dreamers Academy, isang paaralan para sa mga hindi normal na tao. Katulad ko.
Pagbaba ko ay kinuha ni Papa ang bagaheng dadalhin ko.
"Are you ready, daughter?"
"Yes, Papa. I'm ready." Aaminin kong kinakabahan din ako. Pero may parte naman na nai-excite ako.
Habang nasa biyahe ay panay ang bilin nila na lagi akong mag-iingat. Huwag magpasaway at laging magpakabait, na mahal na mahal nila ako kahit anong mangyari.
"We love you, anak. Lagi mong tatandaan na kahit ano ang mangyari ay kasama mo kami at babantayan ka namin."
For some unknown reason, may tumulong luha sa 'king mga mata. Bakit pakiramdam ko mawawala sila?
"I love you, too, Mama at Papa."
"WE'RE here na. Tandaan mo lahat ng sinabi namin sa ‘yo. Dito sa D.A. mas mapapanatag kami dahil dito ka magiging ligtas." Si Papa ang nagsasalita saka niya ako niyakap at hinalikan sa noo.
May tila orasyong binigkas si Mama habang nakalapat ang isang palad nito sa puno ng malaking balete sa gitna ng kagubatan. Mayamaya pa ay nagkaroon ito ng pintuan na nagliliwanag. Kahit lagi kong nakikita si Mama sa paggamit ng special ability niya ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha.
"Pumasok ka na, anak." Si Mama naman ang nagsalita habang nakangiti. Pero bakit parang hindi iyon abot sa mga mata niya?
"Paalam muna, Mama, Papa. I love you both." Mga huling salitang binitiwan ko bago tuluyang pumasok sa lagusan patungo sa magiging bago kong paaralan.
Napapitlag ako nang may isang babaeng bigla na lang sumulpot sa harapan ko.
"Welcome to the Dreamers Academy! Kanina ka pa hinihintay ng headmaster."
Napa "Ah!" Na lang ako bago siya sinundan.
Maraming kakaibang bagay ang makikita sa paligid. May mga naglalaro ng bolang apoy, nagpapalipad ng kung anu-ano, naglalaro ng tubig na hinuhulma sa iba't ibang hugis. May mga nagpapatubo din ng mga halaman at marami pang iba.
"Pasok ka sa loob, nandiyan ang headmaster."
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon bago pumasok sa double door na pinto. Today is the new beginning of my life as one of the Dreamians.
Pagkatapos sa Headmaster’s Office ay dumiretso ako sa magiging dorm ko.
Akmang kakatok na ako sa pintuan nang bigla itong bumukas.
"Hi! I'm Mispha. Ikaw ba ‘yong new dorm mate namin?" bungad ng babaeng blonde ang buhok at naka-eyeglasses.
"Y-yes?" Alanganin kong tiningnan ang babaeng nasa harapan ko.
"Mispha! Papasukin mo na kaya siya," sigaw mula sa loob.
Napatawa siya nang marahan. "Pasok ka pala, Miss Ganda."
"I'm Sittyfaiha." Saka ako bahagyang ngumiti at pumasok sa loob.
"Sittyfaiha, right? I'm Maithy, by the way. Pasensiya ka na kay Mispha. Advance lang talaga siya mag-isip," pagpapakilala ng babaeng sumigaw kanina mula sa loob. Matangkad na maputi siya at may brown wavy hair.
"Okay lang."
"Maithy! Mali, what she means is I can see the future," sabi ni Mispha.
Napatango-tango na lang ako. Mukhang kakailanganin kong sanayin ang sarili sa bagong mundong ginagalawan ko dahil simula ngayon ay hindi na magiging normal ang buhay ko.
Part 2
His POV
TAHIMIK akong nakasandal sa isang puno habang nakapikit. Kasalukuyan akong naririto sa fire elemental garden. Hindi pangkaraniwan ang punong kinasasandalan ko dahil sa lumalagablab na apoy sa paligid nito. Tanging ang may royal blood lang na fire elemental user ang nakakapasok dito. Dahil kahit fire user ka ay hindi mo pa rin makakaya ang init dito.
Napamulat ang aking mga mata nang marinig ko ang tawag ng mga kaibigan ko.
"Jann Drave! Pinapatawag na tayo ng headmaster!"
Tinatamad na tumayo ako saka biglang naglaho gamit ang isa sa mga abilities ko. Sa isang iglap lang ay nasa harap na ako ng Headmaster’s Office. Walang katok-katok na basta na lang akong pumasok. Pagkapasok ko sa loob ay siyang pagdating ng mga kaibigan ko.
"You all need to be ready. Nagpaparamdam na naman ang kabilang panig. Ang mga Nighmarians," seryosong wika ni Headmaster Graven.
"Ibig po bang sabihin...?" ani Mispha.
"Mas mapapaaga ang leveling. Magsisilbi itong paghahanda sa lahat ng mga estudyante ng D.A." pagkumpirma ni HM.
Nagkatinginan silang lima habang may pag-aalalang maaaninag sa kanilang mga mata.
"Paano po ang mga baguhan?" tanong ni Maithy.
"Bakit bigla na lang silang nagparamdam? Ano ang dahilan? Matagal na silang nanahimik," saad ni Claus.
Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila. Hindi ko maiwasang mapatiim-bagang. Hinding-hindi ko makakalimutan ang kasalanang nagawa ng mga Nightmarians. Sila ang dahilan kung bakit maaga akong naulila sa aking ama at ina.
"Iyan ang aalamin pa lang namin. Sa ngayon ay ang pagsasanay at pag-e-ensayo muna ang pagtutuunan n’yo ng pansin. Maari na kayong umalis," sabi ni HM.
Nauna na akong tumayo bago muling nagteleport paalis. Nakita ko pa ang pagbuntong-hininga ni HM Graven habang may lungkot na bumalatay sa mukha niyang nakatingin sa mga kaibigan ko.
Hindi ganito kalamig at katahimik noon. Pero gaya nga ng kasabihan, “There's nothing permanent in this world, only changes.”
"Sana dumating ang araw na bumalik ang dating JD na kakilala natin." Herwin, one of the D.A pillars, ang nagsalita.
Iyon ang huli kong narinig bago tuluyang maglaho.
Ang D.A. pillars ay ang mga pinakamatataas at makapangyarihan sa lahat ng mag-aaral sa D.A. Kumbaga, sila rin ang tagapagtanggol at pumoprotekta hindi lang sa D.A. kundi sa buong mainland.
"Hayaan muna natin siya. Maybe there's someone destined to help him back to his old self," makahulugang wika ni Mispha.
Napatingin sa akin ang tatlo pero hindi sila nagtanong. Alam nilang hindi rin sila makakakuha ng matinong sagot mula sa ‘kin.
Her POV
MATAPOS magpaalam sa akin sina Mispha at Maithy ay nagdesisyon akong lumabas at magikot-ikot muna. Bago pa lang ako rito. Mas maganda kung magiging pamilyar ako sa buong Academy habang maaga pa. Lalo pa at start na ng pasukan bukas.
Medyo malayo na ang napuntahan ko. Hindi ko man lang namalayan. Napatigil ako nang tila may humihila sa akin papunta sa likod na bahagi ng isang building. Bumungad sa akin ang pulang gate na may symbol ng fire element. Sa hindi ko malamang dahilan ay tila may sariling utak ang aking mga kamay, dahil dahan-dahan kong itinulak ang gate pabukas.
Nakaramdam ako ng kakaibang kapayapaan nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Bumungad sa akin ang naglalagablab na puno. Pero ang ipinagtataka ko ay hindi naman ito mainit?
'May ganito pala? Apoy na hindi mainit?'
Naupo na lang ako sa silong ng puno habang pinagmamasdan ang paligid. Sobrang nagagandahan talaga ako sa lugar na ito. Sobrang gumaan din ang pakiramdam ko. Tahimik at napakapayapa ng paligid. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Part 3
Part 4
Part 5
Wow! That was fantastic! It ended in a way na naexcite ako sa mangyayari kahit na alam ko na dahil napanaginipan na nya kung ano ang mangyayari. But, how would she act after knowing everyone and everything that could happen? Would she act like it was her first time meeting them? I like that the story gives you a clue as to what will happen but would still make you curious about how she will deal with the knowledge she has. Well done sa writer, galing mo po :)
PS: Hirap ng name nila bigkasin :D