top of page
Writer's pictureWimarie Tenorio

Moon Between You and I

Genre: Fantasy By: EmpressMaire [Wimarie Tenorio]



Part 1


UNTI-UNTING iminulat ni Ynna ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay hinang-hina siya. Tila may nakapatong na mabigat na bagay sa buong katawan niya.


"Inang! Gising na po ang dilag!" ang tili ng isang batang babae pagkapasok sa loob na kinaroroonan ni Ynna.


Nagtatakang pilit niyang iginalaw ang kanyang katawan. Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama.


'Ano ang nangyayari? Nasaan ako?'


Puno ng katanungan ang kanyang isip habang inilibot ang tingin sa kabuuan ng silid na kinalalagyan niya.


Abala siya sa pag-oobserba sa kanyang paligid nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok mula roon ang isang may edad na babae. Kasunod nito ang isang batang babae na siyang sumigaw kaninang magising si Ynna.


Bahagya itong ngumiti habang palapit sa kamang kinaroroonan ni Ynna.


"Kumusta ka na, iha?"


Hindi kaagad nakasagot si Ynna dahil sa nanunuyong lalamunan. Inabutan siya ng batang babae ng isang basong tubig na agad naman niyang tinanggap.


Hindi pa rin niya naiintindihan ang mga nangyayari sa kanya. Ang naaalala niya ay nasa balkonahe siya ng kanyang condo unit habang nakatitig sa bilog na bilog na buwan nang biglang magdilim ang kanyang paningin at mawalan ng malay.


"Nakita ka naming nakahandusay sa may paanan ng bundok habang walang malay, iha. Inuwi ka na lang namin ng apo ko dahil mapanganib kong iiwan ka namin sa gubat," paliwanag ng ginang na mukhang nahalata ang pagtataka sa kanyang mukha.


"Nasaan po ako? I mean, ano po bang lugar ito?"


Napansin niya ang kakaibang kasuotan ng mga ito na hindi niya nakikita sa modernong sibilisasyon. Tanging sa pelikula lang niya ito napapanood.


"Nasa lupain ka ng Zarayah. Kabilang sa nasasakupan ng kaharian ng Astopiya."


Hindi alam ni Ynna kung matatawa ba siya o maiiyak dahil sa sagot ng ginang. Kung isa itong panaginip, sana'y magising na siya. Hindi ito magandang biro.


"Po? Lupain ng Z-Zarayah? Kaharian?" Napamaang na lang siya nang tumango ito sa kanya habang nakangiti.


Hindi niya namalayang lumabas na ang mga ito. Marahil ay napansin nila ang pananahimik niya.


Nang medyo maging maayos na ang kanyang pakiramdam ay napagdesisyunan niyang bumangon. Saka lang niya napansin na ibang damit na ang suot niya. Nakasuot siya ng white long dress at may belt na kulay asul.


Hindi na lang niya ito pinansin pa. Sa halip ay napagdesisyunan niya lumabas ng silid. Nais niyang makita ang paligid ng lugar na kinaroroonan niya.


Kakaibang paligid ang bumungad sa kanya. Tanging sa mga palabas lang niya nakikita ang ganito. Maging ang hanging dumadampi sa kanyang balat ay may hatid na kakaibang pakiramdam sa kanya.


'Paano nga ba ako napunta sa lugar na ito?'


Ang naaalala lang niya ay ang gabi kung saan nasa kilalang casino sila. Siya bilang isang undercover ng isang private organization kasama ang team Gama. Hindi nila inaasahang may ibang grupo ang nagplanong pasabugin ang buong casino. Dahilan para magkagulo na ang mga tao. Pagkatapos noon ay wala na siyang maalala pa.


Part 2

KASALUKUYANG nasa taas ng puno si Trehv sa gilid ng matarik na bahagi sa may pusod ng bundok habang pinagmamasdan ang Verdana Forest.


Ang Verdana Forest ang itinuturing na mahiwagang gubat dahil sa kakaibang atmosphere at ang tila laging dapithapon lang ang masisilayan kapag nasa loob ng naturang gubat. Malamig din ang klima roon. Kung saan nasa gitna ng gubat matatagpuan ang lawa ng bughaw na buwan.


Ang lawang sinasabing lagusan patungo sa ibang daigdig o dimensyon.


Napapailing na lang siya nang maalala niya ang sinabi ng kanyang ina.


"Babagsak ang tala mula sa hinaharap. Siya ang magiging susi. Hanapin mo siya at ingatan."


Gusto niyang matawa. Ilang taon na rin na lagi niyang inaabangan ang talang tinutukoy ng kanyang ina. Pero magpahanggang ngayon ay wala pang tala ang bumabagsak sa Verdana Forest.


Aalis na sana siya nang makarinig siya ng umaawit mula sa Verdana Forest. Hindi niya namalayang napapikit na siya habang ninanamnam ang malamyos na awitin mula sa misteryosong tinig.


Nang tunguhin niya ang kinaroroonan nito ay natigilan siya sa kanyang nakita. Isang diwatang umaawit sa gilid ng lawa habang dumagdag sa pagpapatingkad ng ganda nito ang kakaibang liwanag ng buwan.


'Ikaw na ba ang tinutukoy ni Ina?'


Para siyang nahihipnotismo sa lamyos ng awiting inaawit nito. Malamig ang boses na binagayan ng natural na musika ng kalikasan.


Nakatulala lang siya sa magandang dilag na umaawit. Ni hindi man lang niya namalayang tumigil na ito sa pag-awit. At kasalukuyang nakatingin sa kanya ang dalaga.


"Sino ka?" puno ng kyuryusidad na tanong nito. Dahilan upang mabalik siya sa kanyang sarili.


"Magandang diwata," puno ng paghangang puri niya. "Ako si Trehv, ang bunsong anak ng hari ng Zarayah."


"Prinsipe ka?" Kunot-noong tinitigan siya nito habang sinusuri ang kabuuan niya.


Naiilang siya sa klase ng tingin na pinupukol nito sa kanya. Lalo pa at isang dipa na lang ang layo nila sa isa't isa.


"Oo, hindi mo ba ako nakikilala?" Tila napantastikuhan siya sa tanong nito. Walang hindi nakakakilala sa kanya sa buong Zarayah. Maliban na lang kung...


Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso sa isiping iyon. At hindi malabong siya na nga ang tinutukoy ng kanyang ina.


"Magtatanong ba ako kung kilala kita?" taas-kilay na tanong ng dalaga, dahilan para mapatawa siya nang mahina. ''Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?"


Napailing na lang siya. This lady is something. Something in her is mysterious yet so appealing.


"Kung hindi ka magsasalita, bahala ka sa buhay mo. Baliw!" anito na inirapan pa siya bago nagsimula nang maglakad paalis.


"Trehv. Trehv Sebastian ang pangalan ko," pahabol niyang sigaw sa dalagang papalayo na. Akala niya ay hindi siya nito maririnig. Pero bigla itong tumigil sa paglalakad at nilingon siya.


"Nice to meet you, Trehv. Ynna ang pangalan ko. Ynna Valeriana," nakangiting pagpapakilala nito. "See you when I see you, Trehv."


Para siyang nabatobalani dahil sa ngiti ng dalaga. Sumabay pa ang kakaibang pagsirko ng kanyang puso.


'Ynna. Ynna Valeriana. Kay gandang pangalan. Singganda ng nagmamay-ari nito.’

Part 3

Part 4

Part 5


15 views1 comment

Recent Posts

See All

1 Comment

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Limelight
Limelight
Jun 17, 2023
Rated 5 out of 5 stars.


Like
bottom of page