top of page
Writer's pictureWimarie Tenorio

The Notebook

Genre: Fantasy, Romance

By: EmpressMaire [Wimarie C.T.]


Part 1


Destiny Miracle Saavedra POV


ARAW ng Biyernes, February 14, day for all couples and lovers ‘ika nga. Nagkalat ang mga heart designs sa paligid at mga naglalampungang magsyota, nagbibigay ng roses and chocolates na masakit sa mata.

'Tsk!' As usual... This is just a normal day for me.

Tahimik akong nakamasid sa paligid. Hanggang sa magsawa sa mga paulit-ulit na senaryong napapanood ko. Sanay na ako sa ganito. Lagi akong mag-isa tuwing Valentine’s. Bakit nga ba? Of course, my best friends are busy with their boyfriends.

'Char! Maghihiwalay din kayo, walang forever!'

Napagpasyahan kong lumabas ng campus at magtungo sa plaza. Piyesta kasi ng aming bayan kaya alive na alive ang paligid. Isabay pang nataon ito sa Season of Love daw.

Habang tumitingin sa kung anu-ano sa paligid ay napatingin ako sa mga nagkalat na fortune tellers sa paligid. 'Haish!' Ganyan lagi. Mga taong walang ibang maisip na pagkakakitaan ng pera, kaya hanggang hula-hula na lang. Hindi namang totoo.

Aalis na sana ako nang may kalokohan akong naisip. Bakit ‘di ko subukang magpahula? Trip lang ba.

"Ineng, magpapahula ka?" tanong ng aleng parang Christmas tree ang ‘itsura dahil sa malaking star and flower headband niya, idagdag pa ang dream catchers niyang hikaw.

'Ale, manghuhula ka ba talaga?' Gusto kong sabihin pero nanahimik na lang ako.

"Ah... Opo, puwede po ba?"

"Aba! Oo naman," nakangiting sagot ng ale.

Kinuha ng ale ang kaliwa kong kamay. Nagulat ako nang agad din niya iyong binitiwan.

"Tadhana'y nasusulat,

Likha'y mamumuhay,

Susi ay isinilang,

Tiwala'y masusukat,

Buhay ay magugulo,

Nakaraa'y magbabalik,

Katapusa'y nalalapit,

Katanunga'y masasagot,

Itinakda'y magsasama,

Pag-ibig mananaig."

"Huh?" Napatanga ako sa mga sinabi ng ale. Tumutula ba siya? "Ano pong ibig sabihin no’n?"

Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay may kinuha siyang kulay brown na notebook at inabot sa akin.

"Sa ‘yo na ‘yan, iha. Magagamit mo ‘yan," wika niya na may ngiti sa labi.

Ayaw ko sanang kunin, pero parang may sariling isip ang aking mga kamay na kinuha iyon.

Nagulat ako nang may humawak sa aking balikat kaya naalis ang atensiyon ko sa aleng manghuhula. Paglingon ko, si Tresh pala. Ang best friend ko.

"Hoy! Nangyari sa ‘yo at nakatulala ka diyan?"

"Ano kasi, kausap ko si—" Pagbalik ng tingin ko sa manghuhula ay wala na ito roon. Tanging ang bakanteng bench na lang ang naroon.

"Ano?"

"Wala," kibit-balikat kong sagot bago napatingin sa hawak na notebook. Aaminin kong kinilabutan ako roon. Pero ipinagsawalang-bahala ko na lang at agad na inilagay sa bag ang hawak na notebook.


KASALUKUYAN kaming nasa ferris wheel ni Tresh. Gabi na kaya kitang-kita ang mga nagkikinangang bituin sa kalangitan. Ang ganda nilang pagmasdan.

"Alam mo bang kayang tuparin ng mga bituin ang wish natin?" bigla'y sabi ni Tresh.

"Talaga?" ‘Di siguradong tanong ko.

"Sabi ng mommy ko, kapag daw nagbilang ka ng sampung bituin kada gabi, sa loob ng sampung gabi, matutupad ang wish mo sa ika-sampung gabi. Puwede kang humiling ‘pag nakumpleto mo ito—kahit ano at magkakatotoo."

"Ten stars every night in ten nights... Sa ika-sampung gabi magwi-wish at matutupad? That's impossible," balewala kong sabi.

"Try mo, walang mawawala."

Hindi na ako nagkumento pa. Wala ring mangyayari.

Pagkauwi ko ay napaisip ako. Bakit ‘di kaya ako magsulat ng story? Walang ano-anong kinuha ko ang notebook na bigay ng manghuhula sa akin. Then I started to write. Pero bago ‘yon, I did what my best friend told me. Counting ten stars in the sky.


PARANG ang bilis ng takbo ng oras, ang bilis lumipas ng araw. Ito na ang huling school activity na masasamahan ko. Parang kailan lang nang magpahula ako, nang makasama ko si Tresh sa ferris wheel, nang maisipan kong magsulat ng kuwento sa notebook na bigay ng manghuhula, nang gawin ko ang sinabi ni Tresh at ang biglang pagkaaksidente ni Dad, dahilan para hindi ko matapos ang kuwentong sinusulat ko. But I wish something very impossible that night.

"Sana lahat ng sinulat ko ay magkatotoo."

"Hey! Kanina ka pa ba rito?" Si Tresh na kararating lang. Kasama niya ang boyfriend na si Bryle.

"Nope, halos kakarating ko lang."

"So let's go?" Si Bryle.

"Let's go! I'm so excited! First time na magka-camp tayo kasama ang taga-ibang school," masayang wika ni Tresh.

"Unfortunately, this is my last," may bahid ng lungkot na sabi ko, dahilan para mapatingin silang dalawa sa 'kin at ngumiti.

"Don't worry, babalik ka pa naman dito, eh."

Yes, babalik pa naman ako rito. ‘Yon nga lang matagal pa.

Ilang oras din ang itinagal ng biyahe bago kami nakarating sa camp site. Sa Quezon province ito ginaganap. Pagdating namin ay marami na ring naririto mula sa ibang school. May mga kanya-kanya rin silang ginagawa, like selfie, chit-chat at namamasyal, mga nagkukuwentuhan at nagbibiruan.

Mamayang gabi ang official opening ng event. Busy ang mga kaklase namin at ka-schoolmates sa kung anu-ano. While sina Tresh at Bryle naman ay bigla na lang nawala. Gumala siguro.

Narito naman ako sa silong ng punong acasia. Naalala kong dala ko pala ang notebook na pinagsusulatan ko ng story. Napangiti ako nang pagkabuklat ko ay tumambad sa 'kin ang sketch ng isang lalaki. I don't know why I sketched him... I just feel like he is real. He is my character in this story. He is Kiefer Faith Lamaniego. He is not perfect here but I put all the characteristics of my dream guy.

The next page, mas lumawak ang ngiti ko. I sketched my own self here. See? I use myself as the heroine in this story that I am currently writing.

"Calling the attention of all students from different academies. Please proceed to the main hall!" narinig kong tawag mula sa mga nagkalat na speakers sa paligid.

Agad akong napatayo at nagmamadaling tumakbo papunta sa main hall. Hindi ko sinasadyang may makabanggaan.

"Sorry." Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino ang nabunggo ko. Agad kong pinulot ang nahulog kong notebook saka muling tumakbo paalis.


Part 2

His POV


TAHIMIK ako habang may malalim na iniisip. My mission, to find the new holder of the cursed notebook. My grandfather wants me to find it. Pero wala akong idea kung saan ko ito hahanapin. I don't even know what’s with that notebook. Ano ang kaugnayan nito sa pamilya namin? Except to what my lolo told me.

'You need to find the notebook and the new holder, grandson. Ikaw na ang susunod na dadanas sa sumpang nakalakip doon.'

I'm not a believer of any magic or miracles. But somehow, I still follow what my gramps said. Idagdag pa ang mga nangyari sa family ko. My mom died at early age together with my uncle’s wife. I never saw my grandma dahil patay na siya bago pa man ako isinilang.

"Bro, tara na. Nagtatawag na sila sa assembly hall. Natulala ka na riyan," untag sa 'kin ni Sean.

Walang imik na sumunod na lang ako sa kanila. Hanggang sa hindi ko sinasadyang may mabangga.

"Sorry," tanging sabi niya sabay pulot sa nahulog na notebook. Gayon din ang ginawa ko.

Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino ang nakabangga ko. Nang tingnan ko ang pinulot kong notebook ay saka ko lang napagtantong ibang notebook ang hawak ko.

Pagtingin ko sa paligid ay ‘di ko na nakita ‘yong babaeng nakabanggaan ko. Idagdag pang hindi ko alam ang hitsura niya. Tanging boses lang ang pagkakakilanlan ko sa kanya.

"Dude, tara na. Baka mapagalitan pa tayo ni Ma'am Mangahas," himok ni Sean.

Napabuntong-hininga na lang ako na muling naglakad papunta sa assembly hall. Wala na akong magagawa pa. Buti na lang at reviewer note ko lang ‘yon. But still, may sentimental value sa 'kin ‘yon.


Destiny Miracle Saavedra POV


THREE days and three nights ang itinagal ng camping namin. Heto ako ngayon kanina pa kinakalkal ang mga gamit kong dinala ko sa camp namin. Pero hindi ko pa rin mahanap ang hinahanap ko. Ngayon ang flight namin papuntang Japan.

Nanlumo ako nang maalala ko ‘yong notebook na napulot ko that time. Ngayon lang ‘yon nag-sink in sa isip ko. Marahil ay nagkapalit ang notebook naming dalawa.

"Anak, Miracle... Aalis na tayo."

Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking silid. Taon-taon ang bibilangin ko bago ko ito muling makita. I look at the reviewer note, kinuha ko ito at nilagay sa sling bag ko.

' Sana ingatan mo ang notebook ko. Kung sino ka man. Iingatan ko ang notebook mo.'

After giving one last glance at my room, agad na rin akong sumunod kina Mom and Dad. This will be a long trip.


5 years later...


Narito ako sa taas ng puno sa garden sa likod ng university. Last week nang makabalik ako sa Pilipinas at dito ako ga-graduate sa course na kinukuha ko, Business Administration major in Management. Hindi pa ako um-attend ng klase ko.

"Huy! May uggoy diyan!"

Napabalikwas ako nang biglang may sumigaw. It's too late to realize na nasa taas ako ng puno. Napapikit na lang ako habang hinihintay na bumagsak ako sa lupa. But to my surprise, hindi sa lupa ako bumagsak but in someone's arms.

"Tsk! Be careful, lady. Hayan tuloy, nahulog ka," anang boses lalaki.

"Sinalo mo naman ako, eh." I feel my face heat up nang ma-realize ko ang sinabi ko.

"Yeah, I catch you and I'll never let you go." Then he kissed me on my lips.

Tulala ako hanggang makauwi sa bahay. Maghapong hindi ako pumasok sa klase. It was supposedly my first day at my new school. But worse is thinking what happened to me. Why do I have this feeling na nangyari na ito before? Pero hindi ko maalala.

Part 3

Part 4

Part 5


44 views5 comments

Recent Posts

See All

5件のコメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加
ゲスト
2023年6月13日
5つ星のうち5と評価されています。

congrats hija

いいね!
Things 'n Books
2023年6月14日
返信先

Thank you po 😊

いいね!

ゲスト
2023年6月12日
5つ星のうち5と評価されています。

Nakakaantig ng puso! Kahanga-hanga ang tagpo at bawat pangyayari. Hindi nakakabitin at may mapupulot na inspirasyon. 10/10

いいね!
Wimarie Tenorio
Wimarie Tenorio
2023年6月12日
返信先

Thank you 😊

いいね!

ゲスト
2023年6月12日
5つ星のうち5と評価されています。

Great!

いいね!
bottom of page