Genre: Horor
By: EmpressMaire [Wimarie Tenorio]
Part 1
TATLONG araw na lang bago ang araw ng fiesta sa baryo ng San Isidro. Ilang taon na rin akong hindi nakakauwi sa amin mula nang makapagtapos ako sa kolehiyo at piniling makipagsapalaran sa Maynila. Hindi man madali ay nakakaya ko naman.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang may nagpatong ng kamay sa aking balikat.
"Naman Hanze, eh! Kung makapanggulat ka!" Naiinis na hinampas ko siya sa balikat.
"Pfft! Masyado ka kasing seryoso."
"Ewan ko sa 'yo!"
"Huwag high blood, Shainara Alcantara!" Si Vexeine na isa sa mga babae kong kaibigan.
"Nakow! Mabuti pa at sumakay na kayo. Medyo malayo at aabutin tayo ng dalawang araw bago makarating kina Shainara."
Napagplanuhan naming magkakaibigan na dumayo sa fiesta ng baryo namin dahil sa kakaibang trip ni Enzo. Bale lima kaming lahat. Imbis na magkulong lang kami sa mga bahay namin. Ginawa naming bakasyon-gala ang araw na ito.
"Totoo kaya ‘yon?" tanong ni Hanze nang maisaayos niya ang gamit na dala niya.
"Totoo ‘yong alin?" balik-tanong ni Vexei na tumingin kay Hanze.
"Sabi nila masama daw masapitan ng dilim sa kambal na daan sa San Isidro." Si Raziel na kanina pa tahimik. Isinara niya ang librong kanina pa niya binabasa.
Hindi ako umimik. Alam ko kung ano ang tinutukoy nila, pero ayaw kong magkomento ng patungkol dito. Kasi maging ako ay walang alam sa kung totoo ba ito o hindi. Naririnig ko lang ang mga haka-haka at kuwento sa baryo namin.
Hindi ko namalayang napaidlip na pala ako...
Part 2
Pagdilat ko ng aking mga mata, sumalubong sa akin ang kadiliman ng paligid. Kasunod nito ay ang nakakakilabot na musika. Kailan pa nagkaroon ng ganitong musika rito? Saka nasaan ako? Sa pagkakaalam ko'y nasa loob kami ng sasakyan yata na kasalukuyang bumibiyahe.
"Hanze! Vexei! Raziel! Enzo! Nasa'n kayo? Huwag n'yo naman akong biruin ng ganito, oh!"
Nagsitaasan ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko ay nasa isa akong madilim na silid. Wala akong makita at tanging ang pandama ko lang ang gumagana.
"Kyaa!"
Napatigil ako nang may biglang humila sa akin at tinakpan ang aking bibig gamit ang kanyang palad. Bigla ang pagtulo ng mga luha ko kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko.
"Shash! It's me Enzo," mahinang bulong niya sa aking tainga dahilan para kumalma ako. Pero naroon pa rin ang takot na nararamdaman ko.
"Enzo..." Napayakap na lang ako sa kanya. Sobra ang nararamdaman kung takot sa isiping mag-isa lang ako sa kadiliman.
I feel him kiss me on the top of my head habang hinahagod ang aking likod at masuyong sinusuklay gamit ng daliri ang buhok ko.
"Shash... I'm here. So don't worry."
May itim na cloak siyang isinuot sa akin bago muli niya akong hinila palapit sa kanya at humalo kami sa mga nakaitim na nilalang na naglalakad.
Ngayon ko lang napansin na nasa isa kaming prusisyon. Pero nasaan ang iba naming kaibigan?
"Nasaan sila Raziel?" halos pabulong kong tanong.
Hindi pa siya nakakasagot nang may lumapit sa aming dalawa.
"Kuya Enzo, Shainara," mahinang wika ng lumapit sa amin.
Si Raziel, kasing-edad ko lang siya at kapatid ni Enzo.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko sa likod niya sina Hanze at Vexei. Kagaya namin ni Enzo, nakasuot din sila ng mahaba at maitim na kapang may hood.
"Ano’ng nangyari? Bakit tayo naririto?" Sobra na akong naguguluhan. Paano ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?
"Let's go," mahinang wika ni Enzo.
Wala ring sumagot sa tanong ko. Sa halip ay inakay ako ni Enzo at nagsimula na kaming maglakad kasabay ng iba pang nakasuot ng maitim na cloak.
'Bakit parang may mali?'
Pakiramdam ko habang patuloy akong naglalakad at sumasabay sa prusisyon ay mas lalo akong nawawala. Na parang patungo ako sa kawalan? Na tila tuluyan na akong nilalamon ng walang katapusang kadiliman. At tuluyan na akong nabubura sa reyalidad.
Napatigil kami sa paglalakad nang may isang malakas at matinis na batingaw ang tumunog. Kasunod ay ang pag-angat ng tila isang sigurat kung saan puwedeng mag-alay sa tuktok nito.
Bigla ang ragasa ng kilabot sa buo kong pagkatao nang biglang may tila liwanag ang tumutok sa kinaroroonan naming lima. Hindi ako nakaimik nang hilahin ako ni Enzo at yakapin.
"Enzo!"
"Masama 'to! Mukhang kanina pa nila alam na hindi tayo kabilang sa kanila," sabi ni Enzo na humigpit ang hawak sa kamay ko.
"Natatakot ako..." ani Vexei na kasalukuyang nakahawak sa laylayan ng damit ni Hanze.
"Ano ba 'tong pinasok natin?" dagdag ni Hanze.
"Kuya? I know that you know what is happening right now." Si Raziel na kalmadong nakatingin sa kanyang kapatid.
"We need to ruin the final parade before midnight. Then everything will be back to normal," halos kalmanteng anang Enzo.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may maalala ako. Ito na ba ang tinutukoy sa aming baryo? Ang makalumang kasabihang nagpapasalin-saling kuwento sa bawat henerasyon?
In order to ruin the parade, dugo ng babaeng kabilang sa henerasyon ng Quintalla ang kailangan.
Ito ba ang dahilan? Kaya ba bago pa man ako magtapos ng high school ay lumuwas na kami ng Maynila? At isang beses na lang ako nakakauwi sa probinsiya dahil mahigpit akong pinagbabawalan nila Mama at Papa.
Part 3
Part 4
コメント