top of page

Kandila

Spoken Poetry

By EmpressMaire [Wimarie Tenorio]


Ang kulay mo'y dalisay Ang buhay mo'y gabay Ang aroma mo'y mapang-akit Ang kahulugan mo'y basbas na banal.


Sa 'yong liwanag Kadilima'y nagiging makulay Nagsisilbi kang tanglaw Sa malungkot na gabi.


Buhay mo man Mayroong hangganan Ngunit ang ningning mo Mananatili hanggang sa huli.


Sinubok ka man Nang ihip ng hangin Nananatiling matatag Kahit nahihirapa't nasasaktan.


Luha mo ay tanda Nang wagas kung magtiis Lubos na aroga't Tunay na pagsinta.


Maikli mang oras Ang buhay mo sa mundo Ngunit ito ay Puno ng halaga't kaholugan.


Ikaw man ay munti Tila walang halaga Sa paningin ng iba Halaga mo'y walang kapara.


Kandila, munti ka ma't mahina Bawat buhay mo'y Puno ng ningning Mula sa munti mong apoy.


Mula umpisa pa Hanggang sa huli Liwanag mo'y tunay Walang katulad nga.

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

Get in touch with us

Things 'n Books Shop and Publishing

Manila, Philippines

email address: thingsnbooks8@gmail.com

viber_image_2023-06-11_18-27-33-793.jpg

@2023 Things 'n Books Shop and Publishing

bottom of page